Senior Farmers Market Nutrition Program

Ang Senior Farmers Market Nutrition Program (SFMNP) ay nagbibigay ng $80 na benefit card (isang beses na pamamahagi) na gagamitin para sa pagbili ng mga sariwang prutas at gulay sa mga kalahok na merkado ng mga magsasaka at mga pwesto sa gilid ng kalsada. Sinusuportahan din nito ang lokal na pagsasaka sa pamamagitan ng pagtaas ng paggamit ng mga merkado ng magsasaka. Ang pagpopondo para sa programang ito ay mula sa United States Department of Agriculture (USDA) at Estado ng Washington.

Pagiging Kuwalipikado

Para mag-apply, totoo dapat ang lahat ng sumusunod:

  • Nasa edad na 60+ (o nasa edad na 55+ kung kayo ay American Indian/Alaska Native) bago lumampas ng Hunyo 30, 2024
  • Mababang kita — hindi hihigit sa:
    • $2,322 kada buwang ($27,861 kada taon) kita para sa isang tao
    • $3,151 kada buwang ($37,814 kada taon) kita para sa dalawang tao
    • Para sa mas malalaking sambahayan, magdagdag ng $829 para sa bawat idadagdag na miyembro
  • Residente ng King County, Washington (tingnan ang mga zip code ng King County)

Hindi kayo makakapagsumite ng form na ito kung hindi kayo kuwalipikado.

Pagpili

Ang lahat ng mga karapat-dapat na aplikasyon ay ilalagay sa isang random na proseso ng pagpili. Huwag mag-apply nang higit sa isang beses, aalisin ang mga nadobleng aplikasyon. Kung napili kayo, matatanggap ninyo ang inyong SFMNP card sa pamamagitan ng koreo sa July 2024.

Aplikasyong SFMNP

Pahayag ng Kawalan ng Diskriminasyon

Pagiging malaya mula sa diskriminasyon

Pinagbabawalan ang institusyon na ito mula sa pandidiskrimina sa basehan ng kasarian, lahi, paniniwala, relihiyon, kulay, bansang pinagmulan, edad, katayuan bilang beterano o military, sekswal na oryentasyon, kapansanan o ang paggamit ng isang gabay na aso o sinanay na service animal (isang naglilingkod na hayop na hiwalay na sinanay upang gumawa o gawin ang mga gawain para sa kapakinabangan ng isang indibiduwal na may kapansanan.) (RCW 49.60.030)

USDA

Alinsunod sa Pederal na batas sa mga karapatang sibil at mga regulasyon at patakaran sa mga karapatang sibil ng Kagawaran ng Agrikultura ng Estados Unidos (U.S. Department of Agriculture, USDA), ang USDA, ang mga Ahensiya nito, mga opisina at mga empleyado, at ang mga institusyon na lumalahok o nangangasiwa sa mga programa ng USDA ay pinagbabawalan din mula sa pandidiskrimina batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, kapansanan, edad o paghihiganti para sa aktibidad dati sa mga karapatang sibil sa anumang programa o aktibidad na ginagawa o pinopondohan ng USDA.

Ang mga taong may mga kapansanan na kailangan ng mga alternatibong paraan ng pakikipag-ugnayan para sa impormasyon ng programa (hal. Braille, malaking letra, audiotape, American Sign Language, atbp.), ay dapat makipag-ugnayan sa Ahensiya (Estado o lokal) kung saan sila nag-apply para sa mga benepisyo. Ang mga indibiduwal na bingi, may kapansanan sa pandinig o pagsasalita ay maaaring makipag-ugnayan sa USDA sa pamamagitan ng Pederal na Relay Service sa (800) 877-8339. Bilang karagdagan, maaaring makuha ang impormasyon sa mga wika na maliban sa Ingles.

Upang magsampa ng reklamo sa diskriminasyon sa isang programa, kumpletuhin ang Form ng Reklamo sa Diskriminasyon sa Programa ng USDA, (AD-3027) na makikita sa online sa: https://www.usda.gov/oascr/filing-program-discrimination-complaint-usda-customer, at sa anumang opisina ng USDA, o sumulat na naka-address sa USDA at ibigay sa sulat ang lahat ng impormasyong hiniling sa form. Upang humiling ng kopya ng form ng reklamo, tumawag sa (866) 632-9992. Isumite ang inyong nakumpletong form o sulat sa USDA sa pamamagitan ng:

(1) Ipadala ang reklamo sa diskriminasyon sa: U.S. Department of Agriculture

Office of the Assistant Secretary for Civil Rights

1400 Independence Avenue, SW

Washington, D.C. 20250-9410;

(2) I-fax ang reklamo sa diskriminasyon sa: (202) 690-7442; o

(3) I-email ang reklamo sa diskriminasyon sa: program.intake@usda.gov.

Ang personal na impormasyong inilagay sa form na ito ay sumasailalim sa Washington Public Records Act, at maaaring sumailalim sa pagsisiwalat sa isang humiling na ikatlong panig. Sa Aging and Disability Services ng Lungsod ng Seattle, nakatuon kami sa pagprotekta sa inyong pagkapribado at titiyakin na ang anumang mga pagsisiwalat ay isinasagawa nang alinsunod sa batas. Upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa kung paano napapamahalaan ang impormasyong ito, mangyaring tingnan ang aming Pahayag sa Pagkapribado.

Ang institusyon na ito ay isang tagabigay ng serbisyo na nagbibigay ng patas na pagkakataon.